naisip ko lang # 002

Ang boring pala pag walang love life!

Napag isip-isip ko..ang boring pala no buhay no pag wala kang love life? Yung tipong nabubuhay ka lang na pa ulit-ulit ang nangyayari sa buhay mo, yung parang wala kang pinag kakaabalahan na ikakakilig mo. May nanliligaw nga, di mo naman type! may crush ka nga di ka naman pinapansin! Patay na patay ka nga, eh artista naman! Isa pa, gusto ka, gusto mo rin; sweet siya sayo, sweet ka rin sa kanya, yung tipong parang kayo pero di naman kayo! ANLABO kung baga! Minsan naisip ko, tama nga talaga ang sabi ng nanay ko.."sige lang nak, darating din ang lalaking para sayo na mamahalin ka hanggang sa pagtanda mo". Oo nga naman! Pero hanggang kelan pa? pag high risk na ako? naman!

walalang! naisip ko lang! :)

No comments:

Post a Comment